Vietnamese-flagged cargo vessel, sumadsad sa Antique

54

Sumadsad sa mababaw na parte ng karagatang sakop ng Antique ang isang Vietnamese-flagged cargo vessel na galing Ho Chi Minh City sa Vietnam.


Sa inisyal na impormasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG), patungo sana sa Davao City ang MV Globe 6 para mag-deliver ng tone-tonelarang bigas mula Vietnam.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Commodore Armand Balilo, napadpad ang naturang barko sa mababaw na parte ng dagat sa pagitan ng Nagubat at Liwagao Island.

Ayon naman sa Kapitan ng MV Globe 6 na si Nguyen Noai, nakatulog ang kanilang officer on duty nang mangyari ang aksidente.

Lulan nito ang 25 tripulante.

Rumesponde na sa lugar ang mga tauhan ng PCG at nasa lugar narin ang mga divers ng BRP Cape Engano para suriin ang barko kung nagkaroon ito ng pinsala sa pagsadsad.

Inaagapan din ng PCG ang posibleng oil spill sa lugar na maaaring makapinsala sa marine life doon.




Facebook Comments