Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi dapat ituring na mga terorista sina Angel Locsin, Liza Soberano at Catriona Gray.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nais lamang ng tatlong personalidad ang pagbabago at ipinaglalaban nila ang karapatan ng mga kababaihan at ilang sektor.
Dagdag pa ni Año, dapat hayaan na ang tatlo na ihayag ang kanilang saloobin.
Bukod dito, ipinagtanggol din ni Año si National Task Force to End Local Communist Conflict Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr. mula sa mga akusasyon na nire-red tag niya sina Soberano, Locsin at Gray.
Aniya, nais lamang ni Parlade na magbigay babala sa tatlong personalidad sa posibleng kakahinatnan ng kanilang pag-uugnay sa rights groups tulad ng Gabriela.
Pagtitiyak ng kalihim na ang mga opinyon at paninindigan nina Locsin, Soberano at Gray ay igagalang at poprotektahan.