DILG, iginiit sa mga LGU na suportahan ang nationwide campaign kontra tigdas

Manila, Philippines – Nanawagan ngayon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga LGUs na suportahan ang paglaban kontra tigdas.

Kasunod na rin ito ng ikinasang nationwide measles vaccination campaign ng Department of Health (DOH) na naglalayong mas paigtingin pa ang information dissemination patungkol sa tigdas.

Ipinalabas ni DILG Secretary Eduado Año ang Memorandum Circular 2019-47 na nag-aatas sa LGUs na suportahan ang DOH.


Ayon kay Año, nais niyang maging katuwang ng national government ang LGUs sa pagpapa-unawa sa mga magulang ng kahalagahan ng pagpapabakuna ng kanilang anak at maalis ang takot ng mga ito sa bakuna.

Batay sa datus ng DOH, umabot na sa 23,000 ang kaso ng tigdas ngayong taon sa bansa, mas mataas mula sa naitalang 2,393 noong nakaraang taon.

Facebook Comments