Nakiusap na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Malacañang ng karagdagang pondong gagamitin sa pagha-hire ng dagdag na contact tracers.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba, sinisikap ng pamahalaan na maabot ang contact/individual ratio.
Batay sa requirement ng Department of Health (DOH), ang ratio ay dapat 1:10 o isang contact tracer sa bawat 10 indibiduwal.
Mula sa 50,000 contact tracers, sinabi ni Parasaba na kapos ang budget para bawasan nila ito hanggang 15,000.
Pero sinabi niya na ang contact tracing efficiency ay nasa 90%.
Ang mga contact tracers ay dapat matukoy ang mga indibiduwal na nagkaroon ng close contact sa COVID-19 o mga suspected individuals sa loob ng 24 oras.
Facebook Comments