DILG, inaapura ang LGUs na i-upload agad ang tamang vaccination data sa Vaccine Information Management System o VIMS

Pinamamadali na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) ang uploading ng kumpleto at tamang data sa Vaccine Information Management System (VIMS) ng DICT.

Kasunod ito ng gagawing soft launch ng VaxCertPH program sa National Capital Region (NCR) ngayong buwan.

Ito’y upang agad na makuha ng fully vaccinated individuals ang kanilang digital vaccination certificates.


Nais ni DILG Secretary Eduardo Año na mai-upload ang mga data sa loob ng 24 oras pagkatapos matanggap ng bawat indibidwal ang kanilang second dose ng bakuna.

Umabot na sa 20.9 million na Pilipino ang fully vaccinated ng COVID-19 vaccine.

Katumbas ito ng 27.1% na populasyong kailangang mabakunahan.

Sa National Capital Region (NCR), nasa 5.1 million na ang fully vaccinated o katumbas ng 52.37% eligible population.

Nasa 8,261,461 o 85.50% ang nakatanggap ng kanilang first dose.

Facebook Comments