Gen. Sinas, binigyan ng pwesto ni PRRD sa gobyerno

114

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas bilang Undersecretary ng Office of the President.

Si Gen. Sinas ay matatandaang naging kontrobersyal dahil sa paglabag sa health protocols dahil sa kaniyang Mañanita party.

Nagsilbi si Sinas bilang ika-25 PNP Chief sa loob ng 6 na buwan o mula November 2020 hanggang sa kaniyang retirement noong May 7, 2021.


Facebook Comments