Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit (LGU) na tiyaking mapalakas ang case finding at contact tracing efforts sa kanilang komunidad.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangan nilang magtalaga ng kahit isang contact tracer sa bawat barangay na may populasyon na hindi hihigit sa 5,000.
Paliwanag ng kalihim na bahagi ito ng ongoing pilot implementation ng bagong Alert Level System sa Metro Manila.
Kailangan aniya na magiging agresibo sa case finding at contact tracing efforts lalo pa’t mabilis ang pagkalat ng Delta variant.
Bahagi ng responsibilidad ng contact tracers ang house to house visits upang malaman ang mga bagong dating mula sa probinsya o mula sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Año na sa ngayon may 130,178 contact tracers ang naka-deploy sa buong bansa para magsagawa ng contact tracing.