DILG, inatasan ang mga LGU na paigtingin ang kanilang booster vaccination sa mga eligible population

Hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., ang mga Local Government Unit (LGU) na mas paigtingin ang pagpapa booster sa kanilang mga lokalidad.

Ayon sa kalihim, mas alam ng mga local chief executives ang pulso ng kanilang nasasakupan kaya mas maipararating nila ang mensahe na ligtas at isa sa pinakamabisang sandata laban sa COVID-19 ang pagpapa booster shot.

Kasunod na rin ito ng kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na palakasin ang booster shot vaccination sa harap ng banta ng Omicron BA.5 subvariant.


Giit pa no Abalos, dapat samantalahin ng mga unvaccinated at mga booster eligible na indibidwal dahil naghahanda na ang bansa sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Noong July 25, 15.9 million na ang nakatanggap ng booster doses mula sa 71.5 million na fully vaccinated na ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments