OFWs sa Macau na naapektuhan ng “no work, no pay ” policy, binigyan ng ayuda ng POLO OWWA

86

Katuwang ang Philippine Consulate sa Macau, naghatid ng ayuda ang Philippine Overseas Labor & Office (POLO) – Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWW) sa OFWs doon na naapektuhan ng “no work, no pay” policy ng ilang employers doon.

Sa harap ito ng restrictions na pinatutupad sa Macau dahil sa COVID-19 surge.

Ilan din sa OFWs sa Macau ang na-terminate sa trabaho dahil sa pandemya.


Una nang umapela ang Philippine Consulate sa employers ng OFWs sa Macau na huwag ipitin ang sweldo ng Pinoy workers lalo na sa panahon ng restrictions.

Facebook Comments