DILG, inatasan ang mga LGUs na maglagay ng no parking signs bilang bahagi ng Road Clearing 2.0

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lokal na pamahalaan na maglagay ng no parking signs, no tricycle allowed signs at iba pang traffic visual cues.

Ito’y habang papalapit ang February 15 deadline sa ilalim ng Road Clearing 2.0.

Sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na sa sandaling malinis na ang mga road obstructions, kailangan ng sustainability kung kaya’t mahalaga ang mga road signs.


Para sa mga Local Government Units (LGUs) na namomroblema sa mga pumapalag na residente, inaatasan ng DILG ang Philippine National Police (PNP) na asistihan ang LGUs sa implementasyon ng road-clearing operations.

Ani Malaya, wala ng mangyayaring extension pagkatapos ng February 15 deadline.

Itinakda naman ang gagawing validation ng DILG mula February 16 to March 2, 2021.

Facebook Comments