DILG, inihahanda na ang kasong isasampa sa mga lokal na opisyal na pinabayaan ang Manila Bay

Manila, Philippines – Inihahanda na ng pamahalaan ang mga kasong isasampa laban sa mga local official na nagpabaya at hindi sumunod sa mandato na linisin ang Manila Bay.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III, patuloy ang kanilang pangangalap ng mga ebidensya para mapakalas pa ang kaso.

Sabi pa ni Densing, 11 taon na ang nakakaraan simula nang maglabas ng direktiba ang Korte Suprema para sa paglilinis ng Manila Bay pero walang nangyari.


Facebook Comments