DILG, inihahanda na ang mga kasong isasampa sa tinaguriang ‘Drug Queen’ na si Guia Gomez Castro  

Inihahanda na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kasong isasampa sa tinaguriang Drug Queen na si Guia Gomez-Castro.

Ayon kay DILG Spokesperson, Usec. Jonathan Malaya, hindi pa rin  opisyal na natatanggal bilang Barangay Chairwoman si Castro.

Kaya pwede pa rin siyanjg kasuhan hindi lamang sa pagkakasangkot sa ilegal na droga pati na rin sa pagpapabaya sa kanyang tungkulin.


Nais din ng DILG na matanggal na si Castro sa posisyon sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na nananatili sa Estados Unidos si Castro.

Facebook Comments