Pangulong Rodrigo Duterte, gagawaran ng Honorary Doctorate Degree sa Russia                            

Bibigyan ng Russia ng Honorary Doctorate Degree si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Philippine Ambassador o Russia Carlos Sorreta, ipagkakaloob sa pangulo ang Honorary Doctorate for Diplomacy bilang pagkilala sa pagpapatibay niya ng ugnayan ng Pilipinas at Russia.

Ipagkakaloob ito ng Moscow State Institute for International Relations kung saan magbibigay ng talumpti ang pangulo.


Ang Unibersidad ay isa sa prestihiyoso at nangungunang Academic Institution sa Russia pagdating sa International Relations.

Facebook Comments