DILG, inirekomenda sa IATF ang pagpapaliban ng voters registration

Dedesisyunan ngayong araw sa pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagpapaliban ng voters registration dahil sa banta ng Coronavirus disease 2019.

Ito’y makaraang irekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa IATF ang postponement ng voters registration dahil na rin sa kahilingan ng Metro Manila Mayors na iurong sa January 2021 ang registration ng mga bagong botante.

Ayon sa kalihim, ang IATF ang gagawa ng rekomendasyon na ibibigay sa Commission on Elections (COMELEC) na siyang magdedesisyon para dito.


Kahapon ay nagpakalat ng mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) ang DILG para pag-aralan kung dapat bang irekomenda ang postponement ng voters registration.

Facebook Comments