DILG, inirekomenda sa Ombudsman na suspendihin si Bamban Mayor Alice Guo

Inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman na suspendihin si Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ay upang di umano magamit ni Guo ang kaniyang posisyon para impluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon ng kaukulang ahensya kaugnay sa pagkakasangkot ng alkalde sa illegal POGO operation sa kaniyang nasasakupan.

Bumuo ng task force si DILG Secretary Benhur Abalos na pamumunuan ni Atty. Benjamin Zabala ng Internal Audit Service ng ahensya.


Ang magiging resulta ng imbestigasyon ay isusumite sa Office of the Ombudsman para sa pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments