DILG, iniutos na buwagin ang sindikatong nasa likod ng kolorum operation

Pinasisiyasat na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga sinasabing sindikato ng kolorum.

Ito’y matapos ibunyag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may mga grupo ang kolorum na naninindak sa mga traffic enforcer.

Sinabi ni Interior Secretary Benjur Abalos na inaalam na rin nila kung may iba pang nasa kapangyarihan ang nasa likod ng kolorum operation.


Ani Abalos, madalas kasing itinuturo ay mga pulis o retiradong opisyal ang nagpapatakbo ng ilang kolorum pero hindi nababanggit na baka may iba pang nasa kapangyarihan ang sangkot din dito.

Ito ang nagiging dahilan kung bakit aniya malakas ang loob ng mga driver ng kolorum dahil sa kanilang “backer”.

Pero tumangging magbigay pa ng detalye si Abalos kung may pangalan na silang hawak dahil nagpapatuloy aniya ang mga operasyon.

Facebook Comments