Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUS), community leaders at mga campaign organizer na ipatupad ang mas mahigpit na public health standards.
Ito ay matapos dumami ang kanilang naitalang mga lumabag sa health protocols sa nakalipas na linggo o mula noong Abril 15 hanggang 24.
Sabi ni Interior Secretary Eduardo Año, sumipa na rin sa 84,969 ang mga nahuling hindi nagsususot ng face mask habang ang mga lumabag naman sa mass gatherings ay nasa 724 at 9,057 ang mga sumuway sa physical distancing.
Nauna nang nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas sa halos kalahating milyon ang COVID-19 cases sa kalagitnaan ng mayo kung hindi susunod ang publiko sa health protocols.