195 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH kahapon

47

Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 195 na bagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, sumampa na sa 3, 685,029 ang kabuuang kaso sa bansa pero bumaba naman sa 10,576 ang bilang ng active cases.

Ayon sa DOH, ang mga rehiyon na nakapagtala ng mataas na kaso ay ang National Capital Region (NCR) na may 1,045 case; CALABARZON na may 420 at Central Luzon na may 254.


Samantala, umakyat pa ngayon sa 60,215 ang kabuuang mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments