DILG, ipinag-utos sa PNP na arestuhin ang mga nagbebenta ng bogus COVID-19 vaccines

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na tugisin ang mga grupong nagbebenta ng pekeng doses ng coronavirus vaccines.

Ito ay harap ng mga ulat na may mga ibinebenta at ginagamit na COVID-19 vaccines sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay DILG Officer-In-Charge Bernardo Florece Jr., sinasamantala ng ilang grupo ang pandemya para kumita.


Pinatitiyak ni Florece sa PNP na matanggal ang mga bogus na bakuna sa merkado.

Dapat aniya magdoble-kayod ang pulisya para masigurong walang pekeng bakunang maibebenta sa publiko.

Ang PNP Aviation Security Group at Maritime Group ang magbabantay sa mga paliparan at pantalan sa posibleng pagpuslit ng mga ilegal na supply ng pekeng bakuna.

Facebook Comments