DILG, ipinagmalaki ang kanilang kaalaman tungkol sa local governance sa mga delegado mula sa People’s Republic of Bangladesh

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang kanilang kaalaman sa Local Governance na ibinahagi sa 25 delegasyon mula sa People’s Republic of Bangladesh na bumisita sa ating bansa para sa study tour.

Ayon kay DILG officer-in-charge Catalino S. Cuy, ang mga contingent na mula sa Bangladesh ay kauna-unahang batch na dumating sa bansa upang mag-aral at makakuha ng kaalaman sa ibat ibang kagalingan sa Local governance programs and policies.

Ang mga delegasyon ay binubuo ng Chairman of grassroots local government unit o Union Parishad, Deputy Director of Local Government at Officials mula sa Local Government Division.


Paliwanag naman ni Undersecretary for Local Government Austere A. Panadero, malaki ang maitutulong ng Duterte Administration ang karanasan at abilidad ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na humawak ng mga sensitibo at mga masalimuot na usapin sa gobyerno lalo na ang ating political structure at konsepto sa Local Government o Unit LGU.

Ikinatuwa naman ng Bangladeshi delegation na pinamunuan ni Shohrab Hossain, Local Government Division ng Bangladesh sa mainit na pagtanggap ng mga opisyal ng gobyerno at nagpapasalamat din sila sa kanilang mga natutuhan na maaring nilang magamit at ipatutupad sa kanilang bansa.

Facebook Comments