Mga grupong sumosuporta sa Protest Caravan ng grupong Piston, nagtipon-tipon sa harap ng National Housing Authority

53

Manila, Philippines – Nagtipon-tipon kanina ang mahigit 20 grupo na sumosuporta sa Protest Caravan ng grupong Piston sa harapan ng National Housing Authority para iprotesta umano ang nakatakdang pagpirma ng DOTr sa nakatakdang Launching ng Public Utility Vehicles sa Camp Aguinaldo mamayang hapon.

Ayon kay Piston National President George San Mateo mistulang masaker umano ang nakatakdang pag Phase-Out sa mga lumang jeep na kanilang gamit dahil marami umanong magugutom dahil mawawalan ng trabaho sa kanilang hanay.

Hindi umano makatarungan ang ginagawa ng LTFRB na basta na lamang lusawin ang PUV gayong ito umano ang kailangan ng riding public.

Una rito mariing itinanggi ng LTFRB na mawawala na sa lansangan ang mga pampublikong jeep dahil ang ginagawa umano ng ahensya ay modernization at hindi phase out taliwas sa ipinangalandakan ng grupong Piston.

Facebook Comments