DILG, ipinaubaya na sa mga LGU ang pagbabantay sa mga komunidad na nasa ilalim ng GCQ

177

Hiniling ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGU) na pangunahan ang mga komunidad na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) kontra COVID-19.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ipapaubaya na ng ahensya sa mga local executive ang pagkontrol ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.


Kinakailangang gamitin ng mga ito ang kanilang otoridad para isailalim sa lockdown ang mga baranggay na pinakanatamaan ng COVID-19 na nakaugnay pa rin sa Regional Inter-Agency Task Force.

Dapat din ikonsidera ng mga ito ang bagong pamamaraan sa pagbubukas ng negosyo tulad ng paggamit ng online applications para sa lahat ng permits.

Muling pinaalalahanan ng kalihim ang mga LGU na mahigpit pa ring ipatupad ang minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face mask at pagpapanatili ng social distancing sa mga komunidad.

Facebook Comments