College Teacher, Timbog sa Pagbebenta ng Droga

283

Cauayan City, Isabela- Huli ang isang guro ng unibersidad matapos ang ikinasang drug buy-bust operation laban sa kanya pasado 11:00 ng umaga kanina sa Brgy. Aguiguican Gattaran, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Roderick Paraiso, (HVT & PNP Regional Priority Target), 40-anyos, may-asawa at residente ng Paradise, Gonzaga, Cagayan at kasalukuyang naninirahan sa Aguiguican sa nasabing bayan.


Dinakip si Paraiso ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Batanes Provincial Office katuwang ang PIU/ PDEU CPPO, Gattaran Police Station, Naval Intelligence at Security Group II, 2nd Coy CPMFC at SDEU Gonzaga Police Station.

Naaktuhan ang nasabing guro na nagbebenta ng iligal na droga kapalit ang P500 sa nagpanggap na poseur buyer.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5 (Selling of Dangerous Drugs), Article II RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Facebook Comments