DILG ISABELA, KINILALA SA IBA’T IBANG KATEGORYA NG STAR 2 AWARDS

‎Cauayan City – Pinarangalan ang DILG Isabela sa Search for Top Achievers in Region 2 (STAR 2) na ginanap sa Pulsar Hotel and Convention Center, bilang pagkilala sa kanilang patuloy na kahusayan at serbisyo-publiko.

‎Isa sa mga tampok na nagwagi ay si ADA VI Jessica M. Palalay, na itinanghal na Best Non-Technical Staff (SG 1–13) para sa 2025 dahil sa kanyang dedikasyon at propesyonalismo.

‎Nakamit din ng DILG Isabela ang mga parangal sa iba’t ibang kategorya, kabilang ang 2nd Place – Best Cluster Operations para sa Cluster 3 sa pamumuno ni Gng. Karla Bernadette M. Aldea-Rollan, CESE, at 3rd Place – Best Cluster Operations para sa Cluster 1 na pinamumunuan ni Engr. Cristina B. Somera.

‎Nakuha rin ng provincial office sa pamumuno ni Engr. Corazon D. Toribio, CESO V, ang 2nd Place – Best Provincial Operations sa buong Rehiyon 2.

‎Ilan pang kawani mula Isabela ang napabilang sa mga finalists sa prestihiyosong kompetisyon, kabilang sina ADA IV Aquin V. Tumaliuan, Engr. II Russel John B. Gregorio, LGOO III Christi Anna F. Cielo, LGOO VI Rhonalyn P. Maquinad-Casilla, LGOO VI Love Angel A. Peredo-Zinampan, at LGOO VI Michael Angelo L. Benigno. Patunay ito ng malawakang kontribusyon ng lalawigan sa pagpapaunlad ng lokal na pamahalaan.

‎Binigyang-diin ng DILG Region 2 na ang STAR 2 ay naglalayong kilalanin ang mga indibidwal at tanggapan na patuloy na nagtataas ng antas ng serbisyo sa rehiyon.

‎Sa pagtatapos ng programa, pinuri ng pamunuan ang mga nagwagi bilang huwaran ng integridad at dedikasyon sa pampublikong paglilingkod.

Facebook Comments