DILG, isinusulong na gawing regular ang mga empleyado sa mga barangay

Isinusulong ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang pagkakaroon ng regular na empleyado sa mga barangay upang matiyak na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo bagama’t nagbabago ang barangay officials dahil sa halalan.

Sinabi ni Abalos na suportado ng DILG ang panukala ng mga mambabatas na gawing mas organisado ang sistema sa pagseserbisyo sa mga barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo at incentives sa ilalim ng “Magna Carta para sa Barangay.”

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga manggagawa sa barangay, kabilang ang lupon ay maaaring makatanggap ng honorarium.


Plano rin ni Abalos na makipag-ugnayan sa ilang mga unibersidad upang sanayin ang mga miyembro ng Lupon Tagapamayapa sa pagsasa-ayos ng alitan at hindi pagkakaunawaan sa kanilang komunidad.

Facebook Comments