PBBM: Consolidation ng PUVs, tuloy na

Wala nang extension ang deadline ng consolidation ng Public Utility Vehicles (PUV) na magtatapos sa December 31, 2023.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang official Twitter account matapos na makipagpulong sa transport officials.

Aniya, napagdesisyon nilang hindi palawigin pa ang deadline para dito.


Sa kasalukuyan ay mayroon nang 70 porsyentomg PUV operators ang nag-commit na at nakapag-consolidated na sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ayon sa pangulo, hindi magiging dahilan ang hindi pagsuporta nang ilang transport group para sa programang ito.

Naniniwala ang pangulo na ang pagsunod sa kasalukuyang timeline ay magbebenipisyo sa full operation ng pagsasamoderno ng public transport system ng bansa.

Facebook Comments