DILG, itinuturing na lutas na ang pambobomba sa Jolo

Itinuturing ng Department of Interior and Local Government o DILG na lutas na ang kaso ng pambobomba sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kasunod ng pagsuko ng limang pangunahing suspek.

Ito ay sa kabila na may manhunt operation pang ginagawa ang government authorities para sa paghuli sa 14 pang kasabwat kabilang si Abu Sayyaf sub-leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kinasuhan na ng 23 counts ng murder, 95 counts ng frustrated murder at damage to property ang limang akusado sa Sulu Provincial Prosecutor’s Office noong Lunes.


Idinamay na rin sina Sawadjaan, Usman Absarah, Barak Ingog, Makrim Abisi, Bapah Absara, One alias Ebing at iba pa.

Pinayuhan pa ng DILG chief ang mga law enforcers na patuloy na maging mapagbantay at alerto para sa seguridad at kapakanan ng mga mamamayan.

Hinimok din ang publiko na makipagtulungan sa pulisya o barangay sa anumang suspicious activities ng sinumang grupo o indibidwal na makikita sa kanilang komunidad.

Facebook Comments