DILG, kinondena ang pamamaril na ikinasawi ng 13 taong gulang na mag aaral sa Pikit, Cotabato

Kinokondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng madugong pamamaril kahapon, Pebrero 14, 2023, na ikinasawi ng 13 taong gulang na mag-aaral ng Pikit National High School.

Nakikipag-ugnayan na si DILG Secretary Benhur Abalos kina National Security Adviser Eduardo Año at Department of National Defense (DND) Secretary Carlito GalveZ Jr., upang tukuyin at masukol ang mga suspek sa nasabing pamamaslang.

Inatasan na rin ng kalihim si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na pangunahan ang imbestigasyon sa naganap na pamamaril.


Nangako ang kalihim na hindi titigil ang mga otoridad hanggang hindi nagkakaroon ng hustisya ang biktima.

Facebook Comments