DILG, kumpiyansang mailalabas ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa illegal drugs

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mailalabas ang listahan ng mga pulitikong dawit sa ilegal na droga, alinsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya – mahalaga ang paglalabas ng narcolist upang mabigyan ng “wise choice” ang mga botante sa nalalapit na midterm elections.

Subalit, sinabi ni Malaya na masusing bineberipika ng DILG ang listahan.


Giit pa ni Malaya na karapatan ng mga tao na malaman ang background ng mga tumatakbo sa elective positions.

Makakatulong din ito para sa mga senador na nais malaman ang mga nasa listahan lalo at wala silang access sa intelligence information mula sa PNP, PDEA at AFP.

Malalaman din sa susunod na linggo kung sino ang mag-aanunsyo ng narcolist.

Sa tala ng PDEA, nasa 64 mula sa 82 pulitikong nasa narcolist ang tumatakbo bilang re-electionist ngayong eleksyon.

Facebook Comments