Ilalabas ngayong linggo ng Department of the Interior Department (DILG) ang guidelines laban sa mga “superspreader event”.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, layon nitong matulungan ang barangay officials na magpatupad ng COVID-19 health protocols at upang maiwasan ang mga “superspreader event.”
Aniya, nakikita niya na may kakulangan ang mga barangay official kung paano ipapatupad ng maayos ang mga COVID-19 health protocols partikular sa mga piyesta, party, karaoke, drinking session, sports at religious activities.
Sinabi ni Año na ito ang kanilang tututukan at sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) sa mga barangay official ay aarestuhin ang mga lalabag at sangkot dito.
Facebook Comments