Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mga probisyon sa ilalim ng Executive Order No. 28 ay mahigpit na ipatutupad.
Ito ay may kaugnayan sa paggamit at pagbenta ng fireworks display at firecrackers ngayong Holiday season.
Sa ilalim ng EO, nagbibigay ito ng regulation at control sa paggamit ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices sa bansa.
Ayon kay Interior Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, wala pang batas para sa total ban.
Ang maaaring gawin ng law enforcers ay habulin ang mga hindi lisensyadong fireworks dealers at sellers.
Ang mga ipinagbabawal na paputok na tinukoy ng Philippine National Police (PNP) ay ang piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large judas’ belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb triangulo, pillbox, boga, kwiton, goodbye earth, goodbye bading, hello Colombia at goodbye Philippines.