DILG, may apela ngayong Pasko sa NPA

Nagsusumamo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at iba pang makakaliwang grupo na tumulong na lamang at huwag nang maghasik pa ng lagim.

Reaksyon ito ni DILG Usec. Jonathan Malaya matapos tambangan ng NPA ang ilang tauhan ng Philippine Army sa Esperanza, Brgy. Carmen Surigao del Sur na nagsasagawa ng preemptive evacuation sa mga maapektuhan ng Bagyong Odette.

Base sa inisyal na ulat 3 sibilyan ang nasawi sa naturang insidente.


Samantala, sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Surigao Del Sur Governor Alexander Pimentel na sana ay magkaroon ng ceasefire sa pagitan ng NPA at gobyerno lalo na ngayong magpa-Pasko.

Ani Gov. Pimentel, dapat magtulungan na lamang ang lahat dahil pare-pareho naman tayong mga Filipino imbes na magpatayan.

Mahigpit ding dapat nasusunod ang minimum public health protocols sa mga sabungan na palagiang imo-monitor ng nasasakupang Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments