Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi lamang sesentro sa war on drugs ng pamahalaan ang paglulunsad nila ng “Masa Masid” o “Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga”, drop boxes nationwide.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Ricojudge Echiverri, layon nitong mahikayat ang komunidad at palakasin ang boluntarismo ng bawat isa para labanan ang iligal na droga, katiwalian at kriminalidad sa kanilang lugar.
Dagdag ni Echiverri, ang programang “Masa Masid” ay isa lamang sa mga naisip nilang paraan para makakuha ng impormasyon hindi lamang sa publiko kundi sa sektor ng simbahan.
Inalis naman nito ang pangamba ng publiko na magamit ang “masa masid drop boxes” sa personal na motibo.
Anya, lahat ng impormasyong makukuha nila sa mga drop boxes ay dadaan sa masususing berepikasyon.