Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga political parties na bawal pa rin ang mga political rallies.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año na hindi pa panahon ng pangangampanya kung kaya’t ipinagbabawal pa ang political rallies.
Aniya, hindi pa nagtatapos ang pandemya at nagbabanta pa ang Omicron variant ng COVID-19 pero, kaniya-kaniyang pagkakasa ng political rallies ang mga tagasuporta ng mga pulitiko.
Dagdag ni Año, maraming bansa ang mayroong kaso ng Omicron variant kaya hindi dapat magpaka-kampante ang publiko.
Ayon sa kalihim, papayagan lamang ang mga public gatherings kung may pahintulot ng mga Local Government Unit (LGUs) at alinsunod sa protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Facebook Comments