DILG, muling kukunin ang serbisyo ng 15,000 contact tracers sa loob ng anim na buwan

Good news!

Ibabalik na ng Department of the Interior and Local Government ang serbisyo ng mga contact tracers.

Ngunit, 15,000 lang ang ire-rehire at ito ay sa loob lang ng anim na buwan.


Humingi naman ng pang-unawa si DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya kung hindi lahat ng naunang 50,000 contact tracers ang maibabalik dahil limitado lang ang budget sa hiring ngayong taon.

Gagamitin ng DILG ang P1.4 billion mula sa unreleased balance sa Republic Act 11519 o extension ng validity ng appropriations sa Bayanihan to Recover as One Act.

Ipandadagdag ito sa P500 million na alokasyon sa hiring ng CTs sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act.

Inaatasan ngayon ng DILG ang kanilang field offices at mga Local Government Unit (LGU) na magsagawa ng immediate assessment sa naging performance ng mga naunang kinuhang contact tracers upang matukoy kung sino-sino ang nagpakita ng masinop at mahusay na pagganap sa naibigay sa kanilang gawain.

Facebook Comments