DILG, muling pag-aral ang kasunduan sa mga paaralan hinggil sa police visibility laban sa recuitment ng mga rebeldeng grupo

Muling pag-aaralan ng Department Of Interior And Local Government (DILG) ang kasunduan nila sa mga eskwelahan at unibersidad ang pagkakaroon ng mga pulis sa bawat paaralan.

 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ito ang kanilang magiging hakbang para masiguro ang kaligtasan ng kabataan laban sa   pagre-recruit ng mga rebeldeng grupo at palakasin ang ugnayan ng otoridad at pamunuan ng mga paaralan, estudyante para mabigyan ng impormasyon tungkol sa modus operandi ng mga rebeldeng grupo.

 

Dagdag pa ng kalihim na target ng makakaliwang grupo ang mga paaralan, pabrika at iba pa.


 

Paalala ng kalihim na hindi lang sa mga probinsya nagaganap ang recruitment activity ng mga rebeldeng grupo dahil kasama na rin ang mga lungsod.

 

Base sa tala ng DILG aabot sa 500 hanggang sa isang libo ang sumasapi sa communist group kada taon.

 

Matatandang, dumulog sa senato ang isang grupo ng mga magulang kaugnay sa pagsapi ng kanilang anak na magsimagsik laban sa pamahalaan.

Facebook Comments