DILG, nagbabala laban sa mga kawani ng BFP na nagbebenta ng fire extinguishers bilang permit requirement

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagbebenta ng fire extinguishers sa mga nag-aapply ng fire safety permit.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, ipatatanggal niya kaagad ang mga kawaning sangkot sa naturang gawain.

Dagdag pa ng kalihim, mayroon nang memorandum kaugnay rito at iginiit na bawal ang pagbebenta ng anumang bagay katulad ng fire extinguisher kapalit ng permit.


Nitong Martes lamang ay naaresto ng PNP-CIDG ang dalawang lalaki sa Rizal na nagpapanggap na konektado sa BFP upang makapag-solicit ng pera.

Ayon sa mga otoridad, una nang naaresto ang dalawa sa paggamit ng pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang makapanloko ng tao ngunit nakapagbayad ng piyansa kaya nakalaya.

Facebook Comments