Karagdagang 300,000 passport appointment slots, bubuksan ng DFA bago matapos ang 2022

Umaarangkada na ang paghahanda ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbubukas ng karagdagang 300,000 passport appointment slots sa publiko.

Sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo, balak nila itong buksan bago matapos ang taong 2022.

Dahil dito, makakapagbigay ito ng pagkakataon sa publiko na mamili ng schedule at application sites upang maiwasang makipag-ugnayan sa serbisyo ng mga fixers.


Ayon naman kay DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr., kailangan nilang ayusin ang sistema upang maparami ang appointment slots araw-araw at buwan-buwan.

Sa ngayon, nakapagbukas na ang DFA ng higit 800,000 slots para sa taong 2022.

Facebook Comments