Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal ng barangay na hindi sila pwedeng mag-endorso ng mga kandidato sa eleksyon.
Ito ay kasunod ng mga napaulat na ilang barangay officials partikular na ang mga kapitan ng barangay ang nag-eendorso ng kanilang kandidato sa local at national posts at inilagay pa ang campaign materials sa loob ng barangay hall.
Paalala ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, tanging ang presidente hanggang sa vice mayor lamang ang pwedeng mag-endorso ng kandidatura ng mga tumatakbo sa halalan sa ilalim ng Omnibus Election Code.
Muli ring hinimok ni Diño ang mga opisyal na bantayan ang mga naglalagay ng campaign materials sa mga poste ng kuryente at mga pasilidad na pag-aari ng pamahalaan.