Manila, Philippines – Nagbabala ang pamunuan ng Department of Interior and Local Government sa mga LGU na huwag magbayad o magbigay ng pera sa gagawing “permit to campaign fee” sa darating halalan para sa mga communist rebels na NPA dahil nangangahulugan ito na sinusuportahan nila ang terorismo.
Ayon kay DILG Spokesperson Assistant Secretary Jonathan Malaya, ang naturang babala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga Governor, Mayor, lalo na sa mga kandidato tungkol sa direkta o indirekta sa pagbibigay ng financial, material, at political support sa mga NPA ay bunsod sa napaulat na sinusuportahan nila ang naturang Komunistang grupo.
Matatandaan na naglabas ng Memorandum Circular 2018-211 si DILG Secretary Eduardo Año na nagpaalala sa lahat ng mga Local Chief Executives and LGU officials na ang pagbibigay ng anumang paraan ng suporta sa mga NPA ay paglabag hindi lamang sa Executive Order 733 kundi sa RA 10168,”.
Paalala ng kalihim na huwag magpaloko at magbayad ng ‘permit to campaign’ o kaya ‘permit to win’ sa mga komunistang grupo na itinuturing ng gobyerno na mga terorista,”.
Giit ni Año matagal na umanong modus operandi ng mga rebelde ang mga permits na ito kung saan humihingi sila ng pera sa mga kandidato kapalit ng malayang pangangampanya na hindi nila ginagalaw sa kanilang hurisdiksyon.