Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko sa naglipanang pekeng Pfizer COVID-19 vaccine.
Kasunod ito ng medical product alert na inilabas ng World Health Organization (WHO) sa ‘BNT162b2’ na nagkukunwaring gawa ng Pfizer-BioNTech.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat na magbantay ang bawat Local Government Units (LGUs) hanggang sa mga barangay official para maiwasan ang pekeng bakuna.
Aniya, dapat na manggaling ang mga bibilhing bakuna sa mga lisensyadong supplier.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Año na wala pang napabalitang pekeng Pfizer vaccine na nakapasok sa Pilipinas.
Facebook Comments