Binalaan ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Mayor at Barangay Chairman na namimili sa kanilang pagbibigay ng mga relief goods matapos na ideklarang National State of Emergency ang buong bansa dahil sa COVID-19.
Ayon kay DILG Secretry Eduardo Año, umulan ng mga reklamo ang tanggapan ng DILG tungkol sa ilang mga Barangay Captain na pinipili lamang ang mga binibigyan ng mga relief goods.
Kabilang sa binibigyan ng mga relief goods ng mga Barangay Captain ay mga kamag-anak, kaibigan at mga kasamahan sa partido at binabalewala lamang ang mga mahihirap na tunay na nangangailangan ng tulong.
Paliwanag ni Año, mananagot ang lahat ng mga Alkalde at Barangay Captain na namimili ng kanilang mga binibigyan ng relief goods, may katapat na parusa at posibleng matanggal sa serbisyo kapag napatunayang namimili ang mga ito sa pagbibigay ng mga relief goods.