Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko laban sa pagsasagawa ng pool parties.
Nabatid na usap-usapan ang nangyaring pool party sa Barangay Nagkaisang Nayon sa Quezon City kung saan 54 sa mga dumali ay nagpositibo sa COVID-19.
Giit ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ikinokonsidera pa ring ilegal ang mga ganitong aktibidad sa harap ng quarantine restrictions.
Nagsasagawa na rin ang DILG ng hiwalay na imbestigasyon sa insidente.
Paalala ng kagawaran sa mga barangay at police commanders na sila ang pananagutin sa anumang “super spreader events” sa kanilang nasasakupan.
Inatasan ng DILG ang mga local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na patuloy ang pagbabantay sa anumang insidente ng mass gathering.
Tatanggalin at magtatalaga ng bagong precinct commanders kapag hindi sila agad gumawa ng aksyon habang mahaharap sa dereliction of duty at negligence ang mga barangay officials.
Nag-isyu na ang Quezon City Government sa Barangay Captain ng Nagkaisang Nayon.