Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na mag-ingat sa scammers na nagpapakilalang mga miyembro ng contact tracing teams.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, kinokontak ng scammers ang kanilang binibiktima na malimit ay COVID-19 patients sa pamamagitan ng contact text messages o kaya ay tawag sa telepono at iniimpormahang nagpositibo sila sa virus.
Pagkatapos nito ay hihingan ang kanilang biktima ng pera kapalit umano ng test kit.
Nakatanggap ng ganitong mga reklamo ang DILG Region III at ipinagbigay-alam sa Central Office.
Pinayuhan ni Malaya ang publiko na isumbong sa pulis o sa DILG Hotline 911 at sa DILG-Public Assistance and Complaint Center sa teleponong 8925-0343 sakaling maka-engkwentro sila ng katulad na modus.