DILG, nagbabalang gagamit sila ng pwersa para ilikas ang mga taong pumapasok sa danger zones mula Bulkang Taal

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na gagamit na sila ng pwersa laban sa mga residenteng magmamatigas sa paglikas.

Ito ay matapos lumabas sa aerial inspection na marami pa ring tao ang bumabalik sa mga lugar na idineklarang ‘no mans land.’

Ayon kay DILG Calabarzon OIC, Assistant Secretary Elias Fernandez – muli silang mag-uutos ng force evacuation sa loob ng 14 kilometer radius danger zone.


Kung kinakailangan ay dadaanin na nila ito sa pisikalan.

Pinag-aaralan din ng DILG na magpatupad ng one-time, bigtime na hakutan ng mga hayop sa danger zone dahil ito pa rin ang binabalik-balikan ng mga residente.

Facebook Comments