DILG, nagbantang kakasuhan si Talisay, Batangas Vice Mayor Natanauan

Binuweltahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan.

Ito ay matapos batikusin ng Bise Alkalde ang Phivolcs kasunod ng mga babala nitong mataas pa rin ang posibilidad na magkaroon ng major eruption ang Bulkang Taal.

Ayon kay DILG Calabarzon OIC, Assistant Secretary Elias Fernandez – huwag pakinggan si Natanauan.


Pag-aaralan din nila kung anong kaso ang pwedeng isampa sa opisyal.

Pinayuhan din ni DILG spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya ang Bise Alkalde na manahimik na lang o harapin ang parusa dahil sa pabatikos sa ahensya ng gobyernong nakatutok sa krisis.

Bagamat nauunawaan nila ang pinanghuhugutan ni Natanauan, dapat pa ring makinig ito sa mga eksperto.

Maglalabas din sila ng show cause order laban kay Natanauan.

Maliban dito, nagbanta si Calabarzon Police Director, Brig/Gen. Vicente Danao Jr. na ipapatapon niya si Natanauan sa bunganga ng bulkan kapag nagkaroon ng casualties.

Facebook Comments