DILG, naghain ng patong-patong na reklamo sa Ombudsman laban kay Mayor Rolen Paulino ng Olongapo dahil sa paglabag sa IATF protocols

Patong-patong na reklamo ang isinampa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman laban sa alkalde ng Olongapo City dahil sa paglabag sa community quarantine protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, paulit-ulit na nilabag ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino, Jr. ang mga alituntunin at regulasyon na inisyu ng IATF sa pamamagitan ng pag-iisyu nito ng mga lokal na polisiya.

Unang nag-isyu ang DILG ng show cause order noong April laban kay Mayor Paulino dahil sa pag-organisa ng mass gathering sa pamamahagi ng social amelioration cards ng unang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).


Binigyan na ng warning ang alkalde noon pero naulit na naman ang paglabag nang mag-isyu ito ng executive order na pinapayagan ang backriding o angkas sa motorsiklo sa kanyang lugar.

Sa halip na i-revoke ang executive order ay sinuspinde lamang niya ito.

Dahil dito, kinasuhan na si Paulino ng Gross Neglect of Duty, Grave Misconduct, paglabag sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan Act, paglabag sa Republic Act No. 11332, at open disobedience, at Article 231 ng Revised Penal Code.

Facebook Comments