Nagtalaga ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng 300 tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police officers sa Bureau of Corrections (BuCor).
Ito ay para tumulong sa isinusulong na reporma ni BuCor Chief Gerald Bantag.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, 110 personnel ay mula sa BJMP at 195 ay galing naman sa PNP.
Ang buong DILG aniya ay suportado sa misyon ni Bantag na magpatupad ng mga reporma sa Bilibid.
Una na ring sinabi ni Bantag na laganap pa rin ang korapsyon at suhulan sa loob ng Bilibid sa kabila ng pagbabago ng liderato.
Matatandaang sinibak ni Bantag ang nasa 300 prison guards ng New Bilibid Prison Maximum Security Compound.
Facebook Comments