DILG, nakapaglabas na ng P1.5 billion na halaga ng tulong pinansiyal sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo

Umabot na sa kabuuang ₱1.5 billion ang nailabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang inilabas na pondo ay nagmula sa Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA).

Kabilang aniya sa mga rehiyon na nakatanggap ng pondo ay ang CALABARZON, MIMAROPA at Cagayan Valley.


Matatandaang una nang nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong Luzon dahil na rin sa sunod-sunod na kalamidad na tumama.

Facebook Comments