DILG, nanawagan sa mga LGU na suportahan ang Earth Hour

Hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang mga LGU sa buong bansa na makilahok da gaganapin Earth Hour mamayang gabi.

Batay sa Memorandum Circular 2023-031 na ipinalabas ng DILG, nanawagan sila sa mga LGU na hikayatin ang kanilang mga residente na magpatay ng ilaw simula mamayang alas-8:30 ng gabi hanggang alas-9:30 ng gabi.

Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, ang simpleng pagpatay ng mga ilaw ay malaking tulong na para makabawas sa epekto ng Climate Change


Hinihikayat din ng kalihim ang mga LGU na himukin ang mga pribadong sektor sa kanilang mga nasasakupan na makiisa sa Earth Hour sa pagpatay ng kanilang signages light o mga ilaw sa pasilidad havang nagpapatuloy ang operasyon.

Sinimulan ang Earth Hour noong 2007 sa Australia na ngayon ay nilalahikan na ng higit sa 7,000 lungsod at 180 bansa sa buong mundo taon-taon.

Facebook Comments